Paglipat ng venue para sa calamity assistance inanunsyo ng OWWA-BARMM

Paglipat ng venue para sa calamity assistance inanunsyo ng OWWA-BARMM

Dahil sa dami ng aplikante ng WAP Calamity Assistance (TS Paeng), napagdesisyunan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) BARMM na ilipat sa mas malawak at maayos na venue.

Ipinapabatid sa publiko na simula Enero 23, 2023 hanggang sa Biyernes, Enero 27 sa ganap na alas-8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon ay isasagawa muli ang pamimigay ng calamity assistance para sa mga kuwalipikadong aktibong miyembro ng OWWA sa Alnor Function Hall (Hall 1) 3rd floor Robinsons, Mall of Alnor, Sinsuat Ave., Cotabato City.

Para sa mabilis na transaksiyon, dapat ihanda ang mga kailangang requirements kung na-verify na ng OWWA ang record ng OFW.

Pinapaalalahanan ang mga aplikante na huwag magdala ng motorsiklo o sasakyan dahil limitado lamang ang parking space at upang maiwasan ang pagsisiksikan. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *