Mahigit P3.6M na halaga ng ‘shabu’ nakumpiska sa Parañaque City
Mahigit P3.6 millon na halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng otoridad sa dalawang drug suspects sa Parañaque City.
Nasa kustodiya ng Regional Drug Enforcement Unit ang mga suspek na sina Fahima Matula alyas Tita, 34, at Jhonix Casanova, 23 na kapwa nakatakdang sumailalim sa inquest proceedings sa Parañaque City Prosecutor’s Office.
Pinuri ni NCRPO Regional Director, Major General Jonnel C. Estomo ang matagumpay na buy-bust operation ng mga tauhan ng RDEU sa pakikipagtulungan ng PNP Drug Enforcement Unit-Special Operations Group, SPD-District Drug Enforcement Unit, Parañaque DEU at Pasay City Police Station.
Nasamsam ng otoridad ang tinatayang 530 gramo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng ₱3,604,000 at marked money.
“We have accomplished many but many are yet to be accomplished. We guarantee to continue the fight we have started and hold the sources liable of this illegal drug proliferation in our region,” ani MGen Estomo. (Bhelle Gamboa)