COVID-19 positivity rate sa NCR bumaba sa 3.7 percent na lang

COVID-19 positivity rate sa NCR bumaba sa 3.7 percent na lang

Maituturing ng “Low” ang naitalang COVID-19 positivity rate sa Metro Manila sa nakalipas na isang linggo.

Sa datos mula sa OCTA Research, mula sa 5.8 percent noong Jan. 7, 2023 at bumaba sa 3.7 percent na lang ang positivity rate sa NCR noong Jan. 14.

Maliban sa NCR, nasa “Low” na din ang positivity rates sa sampu pang lalawigan sa Luzon.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

– Batangas (3.2 percent)
– Benguet (3.6 percent)
– Bulacan (2.3 percent)
– Cagayan (3.9 percent)
– Cavite (3.2 percent)
– Ilocos Norte (3.9 percent)
– Laguna (4.4 percent)
– Pampanga (2.6 percent)
– Pangasinan (3.9 percent)
– Zambales (4.1 percent)

Samantala, ang positivity rate sa lalawigan ng Isabela ay tumaas mula sa 35.1 percent patungong 50.2 percent na maituturing na “Very High”.

Umaasa si OCTA Research Fellow Dr. Guido David na indikasyon itong patapos na ang pandemya ng COVID-19.

Gayunman, may posibilidad pa rin aniyang magkaroon ng panibagong wave dahil sa bagong subvariants. (DDC)

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *