Drug den sa Cebu City sinalakay ng mga otoridad; 8 ang arestado
Arestado ang walong katao sa ikinasang operasyon na ikinasa ng mga otoridad sa Cebu City.
Dalawang drug den ang sinalakay ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Central Visayas na nagresulta sa pagkakaaresto ng walong suspek.
Ayon kay Leia Alviar Alcantara, PDEA-7 public affairs chief, unang sinalakay ang drug den sa Barangay Duljo-Fatima kung saan naaresto ang the 68-anyos na maintainer na kinilalang si Bebie Alya alias “Nanay”, at dalawang bumibisita sa drug den na sina Arnulfo Laresma, 56, at Joy Labaya, 41.
Nakumpiska sa mga suspek ang 19 na pakete ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa P81,900 ang halaga, buy-bust money, at mga sniffing paraphernalia.
Sa Barangay Mambaling sinalakay din ang isang drug den kung saan naaresto naman ang maintainer na si Rogelio Camilo Jr. alias “Butchoy”, 46, at apat na bisita ng den na sina Christ Jay Abellanosa, 27; Juvelyn Tabalin, 30; Pacito Jorge Campos, 36, at Ramon Tabalin, 55.
Nakumpiska naman sa kanila ang pitong pakete ng hinihinalang shabu na tinatayang P68,000 ang halaga.
Mahaharap ang walong suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022. (DDC)