Operasyon ng NAIA inihinto dahil sa problema sa Air Navigation Facilities ng CAAP

Operasyon ng NAIA inihinto dahil sa problema sa Air Navigation Facilities ng CAAP

Inihinto ang operasyon ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) tanghali ng Linggo, Jan. 1, 2023.

Sa abiso ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), lahat ng biyahe ng eroplano mula at patungong Manila ay sinuspinde dahil sa naranasang technical issues sa Air Navigation Facilities.

Sinabi ng CAAP, na agad gumawa ng hakbang ang CAAP upang maresolba ang problema.

Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng CAAP sa mga pasahero dahil sa abalang naidulot ng insidente.

Lahat ng naapektuhang biyahe ay magkakaroon ng bagong schedule.

Pinayuhan ang mga apsahero na mag-antabay sa ilalabas na abiso o anunsyo ng mga airline o ng airport help desk para sa updates.

Sa inilabas na abiso ng Cebu Pacific, naapektuhan ang kanilang mga biyahe mula at patungong Manila dahil sa naturang problema.

Pinayuhan ng CebuPac ang kanilang mga pasahero na huwag na lamang munang magtungo sa airport at i-monitor ang flight status sa online.

May parehong abiso din na inilabas ang Philippine Airlines. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *