NCRPO handa na sa pagsalubong sa 2023; gun holders binalaan

NCRPO handa na sa pagsalubong sa 2023; gun holders binalaan

Bilang paghahanda sa pagsalubobg sa Bagong Taon,ipagpapatuloy ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagdedeploy ng 1,369 na pulis para sa Ligtas Paskuhan 2022 upang istriktong ipatupad ang umiiral na mga panuntunan at regulasyon ukol sa paputok.

Alinsunod sa Executive Order (EO) 28 at Republic Act (RA) 7183 na kumukontrol ng pagbebenta,paggawa,distribusyon at paggamit ng paputok, at iba pang pyrotechnic devices,pinaalalahanan ni NCRPO Chief, Major General Jonnel Estomo ang publiko na magibg responsable at sumunod sa mga itinakdang firecracker display zone at display area sa komunidad para sa kaligtasan ng bawat isa.

Ang strategic deployment ng Metro cops upang magbigay ng seguridad sa mga lugar na pinupuntahan ng maraming tao gaya ng terminals, malls, simbahan at iba pa gayundin para imonitor ang mga nakatalagang firecracker zones.

“Taun-taon pong pinapaalala ng kapulisan sa ating mga kababayan ang pag-iingat at pagsunod sa mga batas sa pagpapaputok at pagpapailaw. Lagi po nating tatandaan na pinakamasaya parin ang pagsalubong sa parating na bagong taon kung ligtas at maayos ang kalagayan ng ating sarili, mga mahal sa buhay at mga taong nakapaligid sa atin,” ani MGen Estomo.

Sa gabay ni PNP Chief, Gen. Rodolfo S. Azurin Jr., nagsasagawa ang NCRPO ng crackdown kontra ilegal na paputok na mapanganib sa tao at patuloy ang koordinasyon nito sa mga lokal na barangay at village peace keepers para siguruhin ang wastong pagpapatupad ng kautusan at paghuli sa mga lumalabag.

Nanawagan din si MGen Estomo sa lahat ng gun owners na maging responsable at iwasang magpabaya, labis na pagbabalewala sa safety standards at walanv habas na pagpapautok ng baril upang matiyak na ligtas ang mga inosenteng buhay sa pagsalubong ng 2023.

Bago nito, ang lahat ng tauhan ng NCRPO ay binalaan na huwag gumamit ng kanilang inisyung baril sa kasagsagan ng taunang okasyon kundi ay mahaharap sila sa istriktong parusa.

Matatandaan unang inihayag ng PNP Chief na ang mga pulis ay dapat na mapagkakatiwalaan at mag-behave ng naaayon lalo na hindi na didikitan ng tape ang kanilang mga inisyung armas. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *