Pagpaparehistro ng SIM Card sisimulan na sa Dec. 27

Pagpaparehistro ng SIM Card sisimulan na sa Dec. 27

Inilabas na ng National Telecommunication Commission (NTC) ang Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa SIM Card Registration law.

Ipatutupad ang pagpaparehistro ng SIM Card simula sa December 27, 2022.

Sa ilalim ng IRR, ang mga subscriber na mabibigong makapagparehistro ay made-deactivate ang SIM cards.

Ang mga telco operator o mga public telecommunications entities (PTE) na mabibigong makatugon ay maaaring mapatawan ng multa na hanggang P1 million.

Sa pagpaparehistro, kakailanganing magsumite ng subscriber ng anumang valid government-issued ID na may picture.

Mayroong 180-araw para maiparehistro ang SIM cards.

Gagawin ang registration online sa pamamagitan ng secure platform o website na ilalaan ng mga telco sa kanilang subscribers.

Hihingin din ang full name, birth date, sex, official address, type of ID presented at ID number ng subscribers.

Ang mga kumpanya naman ay kailangang ibigay ang kanilang business name, address at full name ng authorized signatory.

Para sa mga dayuhan, na magpaparehistro ng kanilang SIM cards, kailangan nilang ipakita ang kanilang passport at ibigay ang address nila dito sa Pilipinas. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *