Dalawang high value tarket sa bawal na droga arestado sa Maynila
Nadakip sa ikinasang buy-bust operation ng MPD Station 6 Sta. Ana Police na pinamumunuan P/Lt.Col Christopher Yulun at ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA ang dalawang high value target o HVT sa illegal drugs sa Sta. Ana, Maynila.
Ayon sa hepe ng Station 6 Drug Enforcement Unit Bob A. Duran, sina ARJAY DE OCAMPO y ANGELES @ RJ DE OCAMPO, 36 anyos, ng 1858 Estrada Oro B., Sta Ana, Manila; at JEFFREY ESTRELLER y DE BELEN @ JEFFREY BATA, 23, ng 1661 Crisolita St., San Andres Bukid, Maynila, ay isasalang ngayon sa inquest proceeding sa Manila City Prosecutor’s Office.
Kaugnay ito sa kasong paglabag sa
Republic Act [RA] 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms Ammunition Regulations Act.
Ang dalawang suspect ay nahuli ng grupo nina PCpl Gilbert Palisoc at mga tauhan ng PDEA alas-10:30 kagabi sa Zobel Oro B St., Brgy. 770 Zone 84, Sta Ana, Maynila habang nagbebenta ng bawal na droga sa asset ng mga otoridad.
Gagamiting ebidensiya laban sa mga suspect ang mga narekober na apat na plaster sachet na naglalaman ng 53.23 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱361,964.00, buy-bust money, 9mm caliber pistol at dalawang bala ng baril.