PSA inatasan ni Pangulong Marcos na bilisan ang printing ng PhilSys ID
Inatasan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Philippine Statistics Authority (PSA) na bilisan ang pag-imprenta ng digital version ng Philippine Identification System (PhilSys) ID.
Ginawa ng pangulo ang utos sa pakikipagpulong nito kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan at mga opisyal ng PSA.
Tinalakay sa nasabing pulong ang printing capacity para sa PhilSys ID.
Tiniyak naman ni PSA Undersecretary Dennis Mapa kay Pangulong Marcos na nakikipag-ugnayan na ito sa Bangko Sentral ng Pilipinas para maitaas ang bilang ng produksyon ng Phil ID.
Noong Oktubre nang umpisahan ng PSA ang implementasyon ng printed digital version ng Phil ID.
Marami naman sa nakapag-apply ng ID ang nakatanggap lamang muna ng temporary na kopya ng kanilang ID. (DDC)