Pag-iral ng number coding suspendido sa Huwebes (Dec. 8) ayon sa MMDA

Pag-iral ng number coding suspendido sa Huwebes (Dec. 8) ayon sa MMDA

Suspendido ang pag-iral ng number coding bukas araw ng Huwebes (Dec. 8).

Ang nasabing petsa ay deklaradong holiday bilang paggunita sa Feast of the Immaculate Conception of Mary.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) suspendido ang pagpapatupad ng Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme mula 7 am-10 am at 5 pm-8 pm.

Dahil dito ang mga sasakyang may plakang nagtatapos sa 7 at 8 na sakop ng coding tuwing Huwebes ay maaaring bumiyahe sa mga pangunahing lansangan ng Metro Manila. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *