F2F classes sa isang paaralan sa Cagayan sinuspinde; 145 na estudyante nakaranas ng sintomas ng COVID-19

F2F classes sa isang paaralan sa Cagayan sinuspinde; 145 na estudyante nakaranas ng sintomas ng COVID-19

Umabot sa 145 estudyante at 9 na mga guro ang nakaranas ng sintomas ng COVID-19 sa isang paaralan sa bayan ng Gattaran sa lalawigan ng Cagayan.

Sa Executive Order ni Gattaran Mayor Samuel Siddayao, iniutos ang suspensyon sa face-to-face classes sa Calaoagan Dackel National High School – Capissayan Annex simula noong Lunes, December 05, 2022 hanggang sa December 16, 2022,

Nakaranas ng lagnat, ubo, at pananakit ng lalamunan ang mahigit 150 na indibidwal sa nasabing paaralan.

Nakasaad sa EO ng alkalde na ang suspensyon ay batay na rin sa rekomendasyon ng Rural Health Unit ng Gattaran.

Sa loob ng dalawang linggo ay magsasagawa muna ng distance learning gamit ang online, modular, podcast, o radio modality ang paaralan.

Ang mga estudyante at mga guro ay pinayuhang sumailalim sa quarantine lalo na ang mga nakaranas ng sintomas. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *