COVID-19 positivity rate sa NCR at iba pang lalawigan tumaas sa nakalipas na isang linggo
Tumaas ang positivity rate ng COVID-19 sa Metro Manila at sa iba pang mga lalawigan sa bansa sa nakalipas na isang linggo.
Sa datos na ibinahagi ni Dr. Guido David ng OCTA Research, mula sa 11.1 percent noong Nov. 26 ay tumaas sa 12.4 percent ang NCR positivity rate noong Dec. 3.
Tumaas din ang positivity rate ng COVID-19 sa Bataan, Cagayan, Camarines Sur, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Laguna, Nueva Ecija, Pampanga, Quezon, Rizal, at Zambales.
Mula sa 18.2 percent ay tumaas sa 21.4 percent ang positivity rate sa Cagayan.
Sa Bataan naman, ila sa 9.7 percent ay tumaas sa 11.2 percent.
Sa Camarines Sur, tumaas din ang positivity rate sa 38.8 percent mula sa dating 27.7 percent.
Sa Nueva Ecija, mula sa 32.9 percent ay tumaas ang positivity rate sa 39.1 percent.
Noong Linggo, Dec. 4 ay nakapagtala ang Department of Health ng 1,173 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa nasabing bilang, 409 ang bagong kaso na naitala sa NCR. (DDC)