Pamamahagi ng tulong sa 12.4 million na benepisyaryo ng Targeted Cash Transfer sisimulan na ng DSWD

Pamamahagi ng tulong sa 12.4 million na benepisyaryo ng Targeted Cash Transfer sisimulan na ng DSWD

Sisimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pamamahagi ng P5.2 billion na cash aid sa mga benepisyaryo sa ilalim ng Targeted Cash Transfer (TCT) program ng pamahalaan.

Ayon kay DSWD Undersecretary Edu Punay, ang nasabing halaga ay para sa thrird tranche ng cash aid.

Kabuuang 12.4 million na TCT beneficiaries ang makatatanggap ng P500 kada buwan sa loob ng anim na buwan.

Ang cash aid ay layong matulungan ang mga pamilya na apektado ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at iba pang bilihin.

Kabilang sa mga benepisyaryo ang apat na milyong 4Ps beneficiaries, at anim na milyon na mga dating Unconditional Cash Transfer (UCT) beneficiaries kabilang ang social pensioners na indigent senior citizens, at 2.4 million na dagdag pang beneficiaries. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *