Halaga ng COVID-19 test sa Red Cross mas pinababa pa
Mas abot-kaya na ang presyo ng COVID-19 test sa Philippine Red Cross (PRC).
Epektibo noong Dec. 1, 2022 mas pinababa na ang presyo ng COVID-19 Testings sa mga Molecular Laboratories ng Red Cross.
Ang plate-based Swab RT-PCR ay P2,000 na lang mula sa dating P2,800.
Ang cartridge-based Swab RT-PCR ay P2,800 na lang mula sa dating P3,000.
Ang Saliva RT-PCR naman ay P1,500 na lang mula sa dating P1,800.
At ang Rapid Antigen ay P400 na lang mula sa dating P500.
Maaaring magpa-book ng appointment sa book.redcross.org.ph
Book your appointments now at http://book.redcross.org.ph. (DDC)