Pinakamalaking lights park sa bansa binuksan sa Taguig

Pinakamalaking lights park sa bansa binuksan sa Taguig

Pormal nang binuksan ng Taguig City Government ang
kanyang Christmas by the Lake, isang family-friendly outdoor attraction na tampok ang diwa ng Pasko.

Asahan ang paglago ng turismo sa lungsod dahil sa bagong bukas na parke na nakalagay sa anim na ektaryang atraksiyon, ang pinakamalaking lights park sa buong bansa.

Aabot sa isang milyong Christmas lights gamit ang energy-efficient technology na sumisimbolo sa pananampalataya at katatagan ng TaguigueƱo’s mula sa
matinding epekto dulot ng pandemya.

“This newest attraction from the City is something we should all be proud of because it reflects not only our identity as a probinsyudad but also our values as a community,” sabi ni Mayor Lani Cayetano.

Idinagdag nito na higit sa dekorasyon at pailaw sa parke ay ang tunay na ibig sabihin ng Pasko na si Kristo na naging taong tagapagligtas sa daigdig at siya ang totoong liwanag sa ating mga buhay.

Bukod sa Christmas tree lights,magbibigay kasiyahan sa TaguigueƱos ang lit-up Christmas-themed installations kasama ang Little Drummer Boy at nativity scenes.

Ang pasilidad ay meron din ibang family-friendly rides, activities at shows.

Mai-enjoy ng mga bisita ang village train at walking tour sa tatlong zones ng Christmas by the Lake kabilang ang Lights of the City, Heart of Christmas at Spirit of Christmas.

Mayroon din ibang atraksiyon gaya ng Aqua Luna Lights at Sounds Show na tampok ang laser at beam animations na sinasabayan ng magandang sound effects at aerial light na Sinagtala.

Kapag nagutom ang mga bisita ay maraming mga iniaalok na iba’t ibang pagkain sa native kubos na naka-elevate mula sa tubig sa pamamagitan ng wooden stilts, o sa Mercado del Lago stalls na garantisadong masarap sa panlasa.

Bukas ang TLC Food Park (Mercato X Mercado) ng alas-2:00 ng hapon habang angThe Mercado Del Lago Floating Village, Food Park at Activity Hall naman sa ganap na 4:00 ng hapon. Ang mga gate sa The Lights of Christmas (TLC) Park ay bukas ng alas-5:00 ng hapon kung saan bukas hanggang hatinggabi ang lahat ng atraksiyon doon. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *