LTO nagkasa ng anti-overloading at traffic law enforcement operations sa GenSan
Nagsagawa ng mahigpit na pag-iinspeksyon ang mga tauhan ng Land Transportation Office (LTO) – Region 12 at mga kawani mula Department of Public Works and Highways (DPWH) – Region 12 sa mga sasakyan, trak, at trailer mna dumadaan sa Makar Highway, General Santos City.
Sa isinagawang anti-overloading at traffic law enforcement operations, umabot sa 141 na mga sasakyan ang ininspeksyon at tinimbang.
Ayon sa LTO, sa nasabing bilang, 82 ang lumabag sa mga batas-trapiko na nakasaad sa Republic Act No. 4136 o Land Transportation and Traffic Code.
Mayroon namamng 4 na trak ang bumagsak o lumabag sa itinakdang limitasyon sa bigat ng karga na nakasaad sa Republic Act No. 8794 o ang anti-overloading act.
Magugunitang isa sa pangunahing kautusan ni bagong LTO Chief Jose Arturo “Jay Art” Tugade ang pagpapaigting sa kampanya ng ahensya laban sa mga overloaded na sasakyan. (DDC)