Libreng medical, dental at wellness services para sa mga taga-Taguig

Libreng medical, dental at wellness services para sa mga taga-Taguig

Patuloy sa pagkakaloob ng mga serbisyong medical, dental at wellness para sa mga taga-Taguig ang Pamahalaang Lungsod ng Taguig sa pamamagitan ng programang Taguig Love Caravan sa pangangasiwa ng Medical Assistance Office.

Isasagawa ang programa sa Bambang ngayong araw, Nobyembre 29 at sa darating na Disyembre 1 naman sa Maharlika.

Ayon sa Taguig LGU na libre ang magpa-check up, magpabunot ng ngipin at magpagupit ng buhok sa Taguig Love Caravan.

Maaari ring matutong gumawa ng produktong pangkabuhayan sa ilalim ng programang ito, na first come, first served basis.

Sa medical at dental mission ay para sa 18-anyos at pataas, fully vaccinated at nakatanggap ng booster shot, at may dalang vaccination card.

Para sa mga menor de edad ay dapat nakatanggap ng kanilang first dose o 2nd dose, kasama ang kanilang mga parents/guardians, at may dalang vaccination card.

Dakong alas-7:00 ng umaga ang simula ng registration o pagpapatala para sa programa habang 8:00 ng umaga naman ang medical, dental, at wellness mission kung saan may cut off sa tanghali.

Sinimulan ang mga serbisyong ito noong Oktubre 4 at matatapos naman sa Disyembre 13.

Inaanyayahan ng lokal na pamahalaan ang bawat TaguigueƱo na dumayo sa kani-kanilang Taguig Love Caravan. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *