BREAKING: Yellow Alert at Red Alert paiiralin sa Luzon Grid ngayong araw dahil sa manipis na suplay ng kuryente
Sasailalim sa Yellow at Red Alert ang Luzon Grid ngayong araw ng Lunes, Nov. 28, 2022 dahil sa manipis na suplay ng kuryente.
Ayon ito sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Ayon sa NGCP, iiral ang Yellow Alert sa Luzon grid, mula 10:00AM hanggang 5:00PM at mula 6:00PM hanggang 9:00PM.
Iiral naman ang Red Alert mula 5:00PM hanggang 6:00PM.
Ayon sa NGCP, mayroong anim na power plants ang nagkaroon ng forced outage.
Habang mayroong tatlo pang planta ang nag-ooperate sa derated capacities. (DDC)