8-day Campaign to End Violence Against Women sa Montalban sinimulan sa Float Parade

8-day Campaign to End Violence Against Women sa Montalban sinimulan sa Float Parade

Nagdaos ng float parade sa Montalban, Rizal bilang paggunita ngayong araw sa International Day for the Elimination of Violence Against Women.

Ang float parade ay hudyat ng pagsisimula ng 18-day campaign to End Violence Against Women.

Ang tema ng kampanya ngayong taon ay United for a VAW-Free Philippines.

Nakilahok ang pamahalaang lokal ng Bayan ng Montalban, sa pamamagitan ng Gender and Development (GAD) Office, sa nasabing aktibidad.

Sinimulan ang aktibidad sa paglibot ng mga kalahok mula sa iba’t ibang barangay sa Float Parade Competition.

Nagwakas ang parada sa Montalban Sports Complex o Oval, kung saan nagsimula ang kick-off ceremony para sa unang araw ng 18-Day Campaign to End Violence Against Women.

Sa kaniyang mensahe, nanawagan si Montalban, Rizal Mayor Ronnie S. Evangelista ng “respeto sa bawat isa”.

Aniya maliban sa ‘violence against women’, dapat ding wakasan ang “karahasan” sa kabuuan at magkaroon ng pagkakaisa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *