CAAP nakapasa sa audit ng International Civil Aviation Organization
Pasado ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa international safety standards ng International Civil Aviation Organization (ICAO).
Mula sa 67.77% rating ng CAAP ay umakyat sa 69%, ang nakuha nitong score at nahigitan ang global average na 67.6%.
Ang mataas na rating n CAAP ay kasunod ng Offsite Validation activity na isinagawa noong September 1, 2022.
Sa nasabin aktibidad, sinabi ng mga eksperto mula sa ICAO na wala silang Significant Safety Concerns (SSC) Pilipinas.
Layunin ng aktibidad na matiyak na naipatutupad ang mga prinsipyo, techniques, at mga itinakdang standards and recommended practices (SARPS) hinggil sa international civil aviation operations,
Tiniyak naman ni CAAP Director General Captain Manuel Antonio Tamayo na mas lalo pang pagbubutihin ang serbisyo ng ahensya. (DDC)