Mga parol na gawa ng mga preso sa Davao City Jail gagamiting dekorasyon sa mga lansangan sa lungsod

Mga parol na gawa ng mga preso sa Davao City Jail gagamiting dekorasyon sa mga lansangan sa lungsod

Sinimulan na ng City Government ng Davao, sa pamamagitan ng Museo Dabawenyo ang pagkakabit ng mga Christmas decorative materials sa lungsod kabilang ang mga parol na likha ng mga preso mula sa Davao City Jail.

Ang mga parol na gawa sa bamboo ay may iba’t ibang mga kulay gaya ng yellow, green at red at sumusunod sa Pasko Fiesta theme na “Fairyland.”

Simula taong 2016 y sa naturang city jail na bumibili ng mga parol ang Davao City govt.

Ayon kay Museo Dabawenyo Officer-In-Charge Winnie Rose Galay-Bulig, 300 parols ang binili sa city jail para sa taong ito.

Ang mga preso ay nabibigyan ng monetary compensation para sa paggawa ng naturang mga parol.

Ang mga parol ay ikakabit sa center islands ng mga pangunahing lansangan sa lungsod at sa 22 public parks. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *