DA nagpatupad ng temporary ban sa pag-aangkat ng domestic at wild birds mula California at Hungary

DA nagpatupad ng temporary ban sa pag-aangkat ng domestic at wild birds mula California at Hungary

Nagpatupad ng ban ang Department of Agriculture (DA) sa pag-aangkat ng domestic at wild birds at mga poultry products mula California, USA.

Ito ay kasunod ng nararanasang outbreak ng H5N1 o Bird Flu sa California.

Sa nilagdaang memorandum ni Agriculture Senior Undersecretary Domingo Panganiban, bawal muna ang pagpasok sa bansa ng mga domestic at wild birds kabilang ang mga produkto mula dito gaya ng poultry meat, day old chicks, itlog at semen.

Ipinahinto din muna ang pagproseso, evaluation at pag-iisyu ng Sanitary and Phytosanitary import clearance para sa nasabing mga commodities.

Nagpatupad din ng importation ban ang DA sa parehong mga produkto na galing sa Hungary.

Ito ay dahil din sa naitalang mga kaso ng Avian Influenza Virus mula sa ilang lugar sa Hungary.

Sa hiwalay namang memorandum order ng DA, binawi naman na ang temporary ban na pinaiiral sa pag-aangkat ng parehong mga produkto mula sa Japan at Poland. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *