Las Piñas LGU may mga bagong rescue trucks

Las Piñas LGU may mga bagong rescue trucks

May dalawang bagong rescue trucks ngayon ang Las Piñas City Government na lalong magpapalakas sa kapasidad ng City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMO) na mabilis na rumesponde at magsagip ng buhay ng mga residente na apektado ng sakuna o kalamidad.

Isinagawa ng lokal na pamahalaan ang simpleng seremonya ng pagbabasbas o blessings sa dalawang rescue trucks sa pangangasiwa ni Fr. Eric Salazar ng Our Lady of Fatima Parish Philam, na idinaos sa bisindad ng city hall nitong Nobyembre 15.

Kabilang sa bagong set ng sasakyan ang isang bagong preemptive evacuation truck na gagamitin sa panahon ng baha at sunog habang isang new rescue truck naman na reresponde sa mga aksidenteng kinasasangkutan ng sasakyan.

Ang seremonya ay dinaluhan nina Mayor Mel Aguilar at Vice Mayor April Aguilar kasama ang mga konsehal ng lungsod na sina Ruben Ramos, Danilo Hernandez, Mark Anthony Santos, Peewee Aguilar, John Jess Bustamante, Luis Bustamante, Florante Dela Cruz, Henry Medina at Rex Riguera. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *