Paanakan ng Justice Jose Abad Santos Hosp., sarado muna
Pansamantala munang isinara ang paanakan ng Justice Jose Abad Santos General Hospital.
Ang pagsasara ay simula ngayong araw, Sept. 27 alas 12:00 ng tanghali.
Sa kasalukuyan kasi ay 75 ang naka-admit na nanganak sa paanakan ng ospital, gayong 59 lamang ang kama na nakalaan.
Ang occupancy rate ng kama para sa mga nanganak ay 137% na.
Pinapayuhan ang mga manganganak na pumunta muna sa ibang ospital.
Magbubukas pong muli ang paanakan ng JJASGH kapag nakapagpauwi na ng mga nanganak na pasyente at kanilang sanggol.