Mga kalapati na naipasok sa bansa galing California tiniyak na ligtas sa bird flu

Mga kalapati na naipasok sa bansa galing California tiniyak na ligtas sa bird flu

Tiniyak ng Bureau of Animal Industry – National Veterinary Quarantine Services Division (BAI-NVQSD) na ligtas sa anumang anuman diseases ang mga kalapati na ipinapasok sa bansa.

Pahayag ito ng ng BAI kasunod ng mga pangamba hinggil sa shipment ng mga kalapati na dumating sa bansa galing ng California, USA.

Sa ngayon ay may nararanasang outbreak ng High Pathogenicity Avian Influenza (HPAI) o Bird Flu sa California.

Ayon sa BAI, agad inalerto at inireport ng NAIA Veterinary Quarantine Services ang nasabing kargamento ng dumating sa bansa.

Sa imbestigasyon ay napatunayan na ang mga kalapati na galing California ay naisyuhan ng Sanitary and Phytosanitary Import Clearance (SPSIC) noong September 15, 2022.

Naberipika din ng mga quarantine officer ang complete documentation ng requirements na iprinisinta para sa shipment kabilang ang balidong Veterinary Health Certificate (VHC) at laboratory tests na nagsasaad na lahat ng kalapati ay nasuri at wala silang anumang dangerous communicable disease, partikular na ang Bird Flu.

Ang mga kalapati ay isinailalim din sa mandatory 30 days quarantine procedure at lahat ay isinailalim sa HPAI tests habang naka-quarantine. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *