PH National Youth Chess Team itinanghal na kampeon sa 2022 Eastern Asia Youth Chess Championships
Binati ng Philippine Sports Commission (PSC) ang National Youth Chess Team ng Pilipinas sa tagumpay nito sa ginanap na 2022 Eastern Asia Youth Chess Championships sa Bangkok, Thailand.
Tinalo ng team ang 11 iba pang participants sa naturang tournament na pawang mula sa iba’t ibang mga bansa.
Ayon sa National Chess Federation of the Philippines (NCFP), nakakuha ang Philippine Team ng 32 Gold medals, 27 Silver medals at 22 Bronze medals.
Nakuha din ng Philippine Youth ang iba’t ibang World titles gaya ng Woman International Master, FIDE Master, Woman FIDE Master at candidate masters mula sa naturang international event.
Umabot sa 200 participants ang naglaban-laban sa tournament na pawang mula sa China, Hong Kong, Indonesia, Korea, Malaysia, Mongolia, Myanmar, Pilipinas, Singapore, Thailand, Taiwan at Vietnam. (DDC)