House-to-house na pagbabakuna sa mga sanggol, isinagawa ng Las Piñas LGU

House-to-house na pagbabakuna sa mga sanggol, isinagawa ng Las Piñas LGU

Nagsasagawa ang Las Piñas City Government ng house-to-house o pagbabahay-bahay na paghahatid ng mga bakuna para sa mga sanggol sa lungsod.

Ito ay bahagi ng Las Piñas City Health Office sa inilunsad na Intensive Routine Cathc-up Immunization na “Vax-Baby-Vax” ng Department of Health-Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) upang mabakunahan ang mga sanggol na may edad 0 hanggang 23 na buwang gulang.

Kabilang sa libreng mga vaccines o bakunang ibinibigay ay ang Measles, Hepatitis B, BCG, Pentahib, MMR, and Polio.

Bukod sa mga bakuna, pinagkakalooban din ang mga sanggol ng libreng vitamins.

Nitong Nobyembre 7 sinimulan muli ang Chikiting Bakunation program at magtatapos sa Nobyembre 18.

Nanawagan si Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa mga magulang na makiisa sa programa at agad pabakunahan ang kanilang mga anak upang mabigyan sila ng karagdagang proteksiyon sa iba’t ibang sakit at masiguro ang kalusugan ng bawat batang Las Piñeros. (Bhelle Gamboa)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *