Maritime Pollution Exercise ng PCG naging matagumpay
Naging matagumpay ang idinaos na National Marine Pollution Exercise (MARPOLEX) 2022 na pinangunahan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Manila Bay.
Sa aktibidad na ito, napagbuti ng PCG ang kakayanan ng bansa sa pag-responde tuwing may insidente ng “oil spill” sa malawak na katubigan ng bansa.
Nakibahagi rin sa naturang pagsasanay ang PCG Auxiliary, Philippine National Police-Maritime Group, Harbor Star Shipping Services Incorporated, RMS Petroleum Technology, Waste Management Corporation, at Malayan Towage and Salvage Corporation.
Nagsagawa sila ng simulation exercise patungkol sa “firefighting, abandoning ship, search and rescue, at oil spill response operation.” (DDC)