7.7 percent inflation rate naitala noong Oktubre; pinakamataas sa nakalipas na 14 na taon

7.7 percent inflation rate naitala noong Oktubre; pinakamataas sa nakalipas na 14 na taon

Bumilis ang pagtaas ng presyo ng produkto at serbisyo noong nagdaang buwan ng Oktubre.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nakapagtala ng 7.7 percent inflation rate noong nakaraang buwan, mas mataas kumpara sa 6.9 percent lamang noong Setyembre.

Ito rin ang pinakamataas na inflation sa nakalipas na 14 na taon dahil noong Dec. 2008 huling nakapagtala ng mataas na 7.8 percent inflation rate.

Ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, ang dahilan ng mabilis na antas ng inflation noong Oktubre ay ang mabilis na pagtaas ng presyo ng Food and Non-Alcoholic Beverages.

May pagtaas din sa presyo ng clothing and footwear, housing, water, electricity, gas and other fuels. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *