BRP Melchora Aquino naghatid ng relief supplies sa mga naapektuhan ng bagyong Paeng sa Iloilo

BRP Melchora Aquino naghatid ng relief supplies sa mga naapektuhan ng bagyong Paeng sa Iloilo

Bumiyahe patungong Iloilo ang BRP Melchora Aquino para maghatid ng family pfood packs sa mga naapektuhan ng bagyong Paeng sa Iloilo.

Sakay ang 3,600 family packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), bumiyahe ang barko mula Maynila papuntang Iloilo.

Bumiyahe din ang BRP Romblon (SARV-3503) na may sakay namang 50 sako ng tig-50 kilo ng bigas.

Tatanggapin ito ng DSWD Region VI para sa agarang pamamahagi sa mga pamilyang nasalanta ng Bagyong Paeng sa rehiyon.

Sa nakalipas na tatlong araw mula nang maitatag ang PCG Task Force Kalinga ay nakatanggap na ito ng mahigit walong tonelada ng relief supplies mula sa iba’t-ibang ahensya ng gobyerno at organisasyon.

Ihahatid ang donasyon sa mga probinsyang nasalanta ng nagdaang kalamidad gamit ang mga barko, air asset, at land vehicle ng PCG tungo sa agarang pagbangon ng bansa sa apekto ng nagdaang kalamidad.

Sa mga nais magpahatid ng tulong sa mga apektadong pamilya, makipag-ugnayan lamang sa PCG Task Force Kalinga at PCG Civil Relations Service sa mga sumusunod na contact details:

E-mail: cgcrs2022@gmail.com.ph
Facebook: Coast Guard Civil Relations Service
Mobile: 0977-496-6811 / 0977-496-6810

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *