Zero casualty sa QC matapos manalasa ang Bagyong Paeng
Nakapagtala ng zero casualty sa Quezon City matapos ang pananalasa ng Bagyong Paeng.
Sa abiso ng pamahalaang lungsod, umabot sa halos 11,000 na katao ang inilikas.
Ang mga ito ay nabigyan ng family food packs, hot meals at maayos na tulugan.
Isinailalim din sila sa medical check up.
Linggo ng tanghali, binigyan na sila ng clearance ng Disaster Risk Reduction and Management Office para makauwi sa kani-kanilang tahanan.
Nagpasalamat naman ang QC LGU sa mga residente sa pakikiisa at pakikipagtulungan upang makamit ang zero casualty sa lungsod.
Nagpasalamat din ang pamahalaang lungsod sa mga first responders kabilang ang mga tauhan ng QCDRRMO, Department of Public Order and Safety, Quezon City Task Force for Transport and Traffic Management, City Health Department, City Engineering Department, at iba pang ahensya na tumulong para matiyak ang kaligtasan ng mga residente sa pananalasa ng bagyong Paeng. (DDC)