Pagsagot sa e-Arrival Card bago ang biyahe patungong Pilipinas hindi na mandatory ayon sa Malakanyang
Hindi na gagawing mandatory ang pagsagot sa e-Arrival Card ng mga pasaherong bibiyahe patungong Pilipinas.
Ayon kay Office of the Press Secretary OIC Usec. Cheloy Garafil, hindi na gagawing mandatory ang pagsagot sa e-Arrival card bago sumakay ng eroplano kung bibiyahe sa bansa.
Sinabi ni Garafil na magtatalaga na lamang ng special lanes sa mga paliparan para sa magsasagit ng e-Arrival Card
“Hindi na ito mandatory; lanes will be set up in airports for this system,” ani Garafil.
Ipatutupad ang paggamit ng e-Arrival Card scan-and-go system sa mga paliparan sa bansa para mas maging madali sa mga dumaraitng na pasahero.
Una nang inanunsyo ng Department of Health (DOH) na simula sa November 1 ire-require ng Bureau of Quarantine (BOQ) ang lahat ng inbound travelers na magkaroon o magsagot ng e-Arrival Card – 72 hours bago ang kanilang pag-alis sa bansang pinanggalingan.
Pero sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco na napagkasunduan sa idinaos na Cabinet meeting na huwag nang gawing mandatory ang pagsagot sa e-Arrival Card.
Ibig sabihin, choice ng mga biyahero kung sasagutan ang e-Arrival Card bago ang kanilang biyahe patungong Pilipinas o pagdating na lamang nila sa bansa. (DDC)