Mahigit 300 PDLs sa BuCor, napalaya ngayong araw

Mahigit 300 PDLs sa BuCor, napalaya ngayong araw

Pinangunahan ni Justice Secretary Boying Remulla ang pagpapalaya sa nasa 300 persons deprived of liberty (PDLs) sa seremonya na idinaos sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.

Dumalo din sa seremonya si Public Attorneys Office chief Persida Acosta.

Kinuha ng DOJ ang serbisyo ng PAO sa pag-compute sa paninilbihan ng mga preso sa kanilang sentensya.

Sa datos mula sa BuCor, 357 na inmates ang pinalaya ngayonga raw ng Miyerkules (Oct. 26).

Sa nasabing bilang, 122 ang nabigyan ng parole at 235 ang nakatapos na ng sentensya.

Dumalo din sa seremonya si BuCor officer-in-charge Gregorio Catapang Jr. na nasa ikatlong araw pa lamang sa kaniyang puwesto matapos masuspinde si Gerald Bantag.

Ayon kay Remulla, umabot na sa 700 na PDLs ang napalaya na pawang nabigyan ng parole o nakatapos ng sentensya simula noong nakaraang buwan.

Mayroon pa aniyang 318 na preso ang nakapila para ma-pardon o mabigyan ng executive clemency.

Ang mga napalayang bilanggo ay binigyang ng transportation allowance at hygiene kits. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *