DOH pinayuhan ang publiko na patuloy na protektahan ang sarili sa banta ng COVID-19

DOH pinayuhan ang publiko na patuloy na protektahan ang sarili sa banta ng COVID-19

Patuloy ang paalala ng Department of Health (DOH) sa publiko na maging maingat dahil nananatili ang banta ng COVID-10.

Pahayag ito ng DOH matapos mapagpasyahan sa idinaos na cabinet meeting na gawing boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face masks sa indoor areas.

Ayon kay DOH officer in charge Maria Rosario Vergeire, hinihintay pa ng kagawaran ang official guidance na ipalalabas ng Palasyo ng Malakanyang kaugnay sa desisyon.

Sinabi ni Vergeire na ipinaliwanag naman ng DOH ang lahat ng posibleng scenarios sa IATF sa naging pag-uusap kaugnay sa masking mandates, gayunman, ang IATF ay isang collegial body na ikinukunsidera ang concerns ng lahat ng sektor.

Sinabi ni Vergeire na patuloy ang gagawin nilang pagpapaalala sa publiko hinggil sa layers of protection na dapat gawin para maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.

Kabilang dito ang  vaccination, masking, distancing, ventilation, sanitation, at pangangalaga sa kalusugan.

Pinayuhan din ni Vergeire ang bawat isa na i-assess ang individual risk bago magpasya na magtanggal ng face masks lalo ngayong papalapit ang Undas at Christmas seasons kung saan inaasahang maaaring magkaroon ng pagtaas ng COVID-19 transmission. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *