Pangulong Marcos magpapalabas ng EO para gawing boluntaryo na lang ang pagsusuot ng face masks sa indoor areas

Pangulong Marcos magpapalabas ng EO para gawing boluntaryo na lang ang pagsusuot ng face masks sa indoor areas

Nakatakdang magpalabas ng executive order si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. a mag-aatas na gawing boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face masks sa indoor areas.

Sinabi ito ni Tourism Sec. Christina Frasco sa press briefing sa Malakanyang.

Ayon kay Frasco matapos ang cabinet meeting Martes (Oct. 25) ng umaga, napagkasunduan ang pagpapalabas ng EO ni Pangulong Marcos base sa rekomendasyon ng Inter Agency Task Force (IATF).

Sa ipalalabas na EO ay gagawin na lamang aniyang boluntaryo ang pagsusuot ng face mask sa indoor areas at paiiralin ito sa buong Pilipinas.

Magkakaroon lamang ng ilang exceptions ayon kay Frasco. Ani Frasco, kailangan pa ring magsuot ng face masks kapag nasa public transportation, medical transportation at medical facilities.

Ang mga indibidwal na hindi pa bakunado kontra COVID-19, mga may comorbidities, at senior citizens ay patuloy na hinihikayat na magsuot ng face mask. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *