DOH kinumpirma ang pagtatalaga ni Pangulong Marcos kay dating PNP chief Cascolan bilang DOH Usec.

DOH kinumpirma ang pagtatalaga ni Pangulong Marcos kay dating PNP chief Cascolan bilang DOH Usec.

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si retired PNP chief Camilo Cascolan bilang undersecretary ng kagawaran.

Si Cascolan ay nagsilbi bilang PNP chief sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Duterte sa loob ng dalawang buwan dahil agad ding nagretiro nang sumapit sa mandatory retirement age.

Ayon sa DOH natanggap na nila ang appointment papers ni Cascolan at nina Dr. Maria Lourdes Caballero-Santiago bilang Director 4 at si Dr. Maria Joyce Udtuhan-Ducusin at Sophia Mancao bilang Director 3 ng DOH.

Habang si Charade Mercado Grande ay reappointed bilang assistant secretary ng kagawaran.

Sinabi ng DOH na ilalabas nito sa media ang magiging “assignments” ng mga bagong talagang opisyal.

“We confirm the receipt of the appointment papers of Mr. Camilo Cascolan, Atty. Charade Mercado-Grande and several directors,” ayon sa pahayag ng DOH. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *