Pinay na muntik nang mabitay sa Saudi Arabia nakauwi na ng bansa
Dumating na sa bansa ang overseas Filipino worker (OFW) na dating nahanay sa death row sa Saudi Arabia dahil sa pagpatay umano sa kaniyang amo.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nakauwi na sa bansa si Rose Policarpio matapos makulong ng halos 7-taon sa Saudi.
“Ms. Policarpio’s eventual acquittal is an example of the government’s commitment in protecting and promoting the rights of our OFWs. With her new lease on life, we wish her success in her future endeavors,” ayon kay DFA Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Sarah Lou Y. Arriola.
Noong 2013 ay nagtrabaho sa Saudi Arabia bilang food server si Policarpio.
15 araw pa lamang siya sa nasabing bansa, sya ay nakulong dahil sa pagpatay umano sa babaeng employer.
Sa tulong ng DFA pinagkalooban ng abogado si Policarpio sa ilalim ng Legal Assistance Fund (LAF) ng ahensya.
“This is a vindication of Ms. Policarpio and a clear declaration of her innocence. This is also a testament that the DFA and its people are willing to go the extra mile in order to protect and safeguard the rights of our kababayan wherever they are in the world,” dagdag ni Arriola.