Pagbabalik ng face mask rules sa Singapore pinag-aaralan dahil sa XBB sub-variant ng COVID-19
Nakararanas ng panibagong wave ng COVID-19 infections sa Singapore dahil sa XBB sub-variant.
Inaasahan ng Ministry of Health (MOH) ng Singapore na sa kalagitnaan ng Nobyembre ay aabot sa 15,000 ang maitatalang bagong kaso.
Hindi naman inaalis ng mga otoridad sa Singapore ang posibilidad na muling ibalik ang sstriktong pagpapairal ng alituntunin sa pagpapasuot ng face mask.
Kasama din sa pinag-aaralang ibalik ay ang rules kung saan tanging ang mga fully vaccinated lamang ang papayagan sa dine-in.
Tiniyak naman ng MOH na mahigpit na binabantayan ang XBB sub-variant.
Pinapayuhan ang mga senior citizen at mga immunocompromised na magsuot ng face mask sa mga matataong lugar at indoor settings. (DDC)