P3M inilaan sa pagbili ng nutribuns at nutri-cookies sa Antipolo City; ipapamahagi sa mga malnourished na bata sa lungsod

P3M inilaan sa pagbili ng nutribuns at nutri-cookies sa Antipolo City; ipapamahagi sa mga malnourished na bata sa lungsod

Naglaan ng P3 milyon pondo ang city government ng Antipolo para maipambili ng ng nutribuns at nutri-cookies.

Ayon kay Antipolo City Mayor Jun Ynares, ipapamahagi ito sa mga malnourished na batang edad 12 hanggang 35 months.

Araw-araw silang susuplayan ng nutribuns at nutri-cookies sa loob ng 4 na buwan.

Ayon kay Ynares ang mga nutribuns at nutri-cookies ay magmumula sa mga accredited manufacturers na sumailalim sa training ng Department of Science and Technology (DOST).

Ayon kay Ynares ang nutribuns ay magandang source ng Vitamin A, protein, at iron requirements ng mga bata.

Malaking tulong aniya ito upang matugunan at mapaganda pa ang nutritional status ng ating mga kabataan. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *