COVID-19 positivity rate sa NCR bumaba – OCTA Research

COVID-19 positivity rate sa NCR bumaba – OCTA Research

Bumaba ang positivity rate ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Sa inilabas na datos ng OCTA Research, mula sa 19.1% noong Oct. 1 ay bumaba sa 17.9% ang positivity rate sa NCR noong Oct. 8.

Ang 7-day average ng bagong COVID-19 cases sa Metro Manila ay bumaba sa 863 mula sa 1,057.

Nananatili din sa “low” ang average daily attack rate (ADAR) sa rehiyon.

Ayon kay OCTA Research fellow, Dr. Guido David, hanggang sa katapusan ng taon ay makakakita ng pagtaas at pagbaba sa sa naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *