LPA binabantayan ng PAGASA sa bahagi ng Cagayan

LPA binabantayan ng PAGASA sa bahagi ng Cagayan

Isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa bahagi ng Tuguegarao City, Cagayan.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 590 kilometers East ng Tuguegarao City.

Ayon sa PAGASA, ang trough o buntot ng LPA at ang frontal system ay magdudulot ng maulap na papawirin ngayong araw na may kalat-kalat na pag-ulan sa Batanes, Babuyan Islands at Cagayan.

Sa Metro Manila naman at sa nalalabing bahagi ng bansa ay bahagyang maulap papawirin lamang ang iiral na may isolated na pag-ulan dahil sa localized thunderstorms. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *