Pagkasawi ng 66 na bata sa Gambia pinaniniwalaang dahil sa ininom na gamot sa ubo

Pagkasawi ng 66 na bata sa Gambia pinaniniwalaang dahil sa ininom na gamot sa ubo

Apat na cough syrup na gawa sa India ang iniimbestigahan ngayon ng World Health Organization (WHO) kasunod ng pagpanaw ng 66 na mga bata mula sa Gambia.

Nangangamba din ang WHO na maaaring ang contaminated na mga gamot ay naipakalat din sa labas ng West African country.

Ayon kay WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus apat na brand ng cold and cough syrups ang sumasailalim ngayong sa imbestigasyon dahil sa posibleng may kaugnayan ang mga ito sa pagkakaroon ng acute kidney injuries na ikinasawi ng 66 na mga bata.

Sa inilabas na medica product alert ng WHO, ang apat na produkto ay kinabibilangan ng Promethazine Oral Solution, Kofexmalin Baby Cough Syrup, Makoff Baby Cough Syrup at Magrip N Cold Syrup.

Ang imbestigasyon ng mga otoridad sa Gambia ay nagsimula noon pang buwan ng Hulyo. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *