Habagat season tapos na, Amihan paparating na ayon sa PAGASA
Inanunsyo ng PAGASA na opisyal nang natapos ang Habagad season sa bansa.
Ayon sa pahayag ni PAGASA Administrator Vicente Malano, sa nakalipas na mga araw ay naobserbahan ang paghina ng Southwest Monsoon.
Habang lumalakas naman ang high-pressure area sa Asian continent.
Sa ngayon sinabi ni Malano na nasa transition period na ang panahon sa bansa at inaasahan nang unti-unting mararamdaman ang pag-iral ng Northeast Monsoon (NE) o Amihan season sa susunod na mga araw.
Nagpapatuloy pa rin naman ang pag-iral ng La Nina, kaya mataas pa rin ang posibilidad ng pagkakaroon ng above normal rainfall conditions na maaaring magdulot ng flashfloods at rain-induced landslides. (DDC)