Crater glow namataan sa Mayon Volcano ayon sa Phivolcs
Sa nakalipas na 24 na oras ay may naobserbahang crater glow o banaag mula sa Bulkang Mayon.
Mahina lamang ang crater glow ayon sa Phivolcs at makikita lamang kung gagamitan ng telescope.
Sa inilabas na bulletin ng Phivolcs, nakapagtala din ng 1 volcanic earthquake sa Mayon sa nakalipas na magdamag..
Nananatiling nakataas ang Alert Level 1 sa Bulkang Mayon at ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng anim na kilometrong radius ng Permanent Danger Zone nito. (DDC)