NCRPO bumuo ng special investigation task force sa insidente ng pananambang kay Percy Lapid
Bumuo na ng special investigation task force ang National Capital Region police office (NCRPO) na tututok sa insidente ng pananambang sa brodkaster na si Percy Lapid.
Ayon sa Philippine National Police (PNP), sa ngayon ay patuloy ang pagtukoy sa mga nasa likod ng pananambang at motibo sa krimen.
Tiniyak ng PNP na isasagawa ang malalimang imbestigasyon para mabigyang hustisya ang panibagong pag-atake sa miyembro ng media industry.
Batay sa paunang testimonya ng mga testigo, isa sa mga suspek ang bumangga sa likurang bahagi ng sasakyan ni Lapid.
Isa pang suspek na sakay ng motorsiklo ang bumaril sa biktima.
Mabilis na tumakas ang mga ito matapos ang pananambang. (DDC)