P1.04B na budget para sa COVID-19 special risk allowance ng mga health workers inaprubahan na ng DBM

P1.04B na budget para sa COVID-19 special risk allowance ng mga health workers inaprubahan na ng DBM

Inaprubahan na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) na nagkakahalaga ng P1.04 billion para magamit ng Department of Health (Philippines) sa pagbibigay ng special risk allowance (SRA) sa mga eligible public and private health workers na tumutulong sa COVID-19 health care response.

Ayon sa DBM, sakop ng P1.04 billion ang hindi pa nababayarang COVID-19 SRA claims ng 55,211 health workers.

Tatanggap sila ng P5,000 sa bawat buwan ng paninilbihan nila sa ilalim ng pagkakaroon ng state of national emergency.

Ayon kay DBM Secretary Amenah F. Pangandaman, ang mga kwalipikadong health workers ay kinabibilangan ng medical, allied medical, at iba pang personnel na nakatalaga sa mga ospital at health care facilities, at direkta o nagkaroon ng contact sa mga COVID-19 patients, persons under investigation (PUIs) o persons under monitoring (PUMs).

Ang pagpapalabas ng nasabing pondo ay salig sa Republic Act (RA) No. 11494, o Bayanihan to Recover as One Act. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *