PBA games ngayong araw suspendido na dahil sa Super Typhoon Karding
Kinansela ng Philippine Basketball Association (PBA) ang mga naka-schedule na game ngayong araw ng Linggo, Sept. 25 dahil sa super typhoon Karding.
Sa abiso ng PBA, ang laban sa pagitan ng Meralco at NLEX at Ginebra at Converge ay itatakda na lamang sa ibang petsa.
Gagawin dapat ang laban ngayong araw sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Una nang kinansela din ng NCAA ang laro ngayong araw kung saan nakatakda sanang magharap ang Jose Rizal University at De La Salle-College of Saint Benilde at ang San Beda University at University of Perpetual Help System DALTA. (DDC)