Bagyong Karding bahagyang bumilis; tatama sa kalupaan ng Northern Luzon sa Linggo

Bagyong Karding bahagyang bumilis; tatama sa kalupaan ng Northern Luzon sa Linggo

Bagyong Karding bahagyang bumilis; tatama sa kalupaan ng Northern Luzon sa Linggo

Bumilis pa ang kilos ng tropical storm Karding habang nananatili sa karagatan.

Ang bagyo ay huling namataan sa layong 1,235 kilometers East ng Northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers bawat oras sa direksyong pa-Kanluran.

Ayon sa PAGASA sa madaling araw ng Linggo maaari nang makaranas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Batanes, Cagayan, at Isabela.

Sa maghapon ng Linggo hanggang sa umag ng Lunes, makararanas na din ng moderate to heavy rains sa Cordillera Administrative Region, Cagayan, Isabela, Ilocos Provinces, at La Union. Habang Light to moderate with at times heavy rains sa northern portion ng Aurora at sa nalalabing bahagi ng Ilocos Region at Cagayan Valley.

Dahil naman sa Habagat, simula sa araw ng Linggo ay makararanas na din ng occasional rains sa Southern Luzon at Visayas.

Ayon sa PAGASA posibleng umabot sa Tropical Cyclone Wind Signals 2 ang kanilang itataas sa mga maaapektuhang lugar.

Posibleng sa araw din ng Linggo ay mag-landfall ang bagyo Northern Luzon bilang tropical storm o severe tropical storm. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *