DOH nakapagtala ng 814 na bagong kaso ng Omicron subvariants
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng karagdagang 814 na bagong kaso ng Omicron subvariants ng COVID-19.
Ito ay base sa pinakahuling genome sequencing na isinagawa mula Sept. 16 hanggang 19.
Tatlong rehiyon sa bansa ang may pinakamataas na bilang ng naitalang subvariants kasama ang Metro Manila (126 cases), Western Visayas (104 cases) at Cagayan Valley (75 cases).
Sa 814 na naitalang subvariants, 15 ang BA.4, habang ang ibang kaso ay inilarawan lamang ng DOH bilang “other sublineages” at “other lineages”. (DDC)