300 laptops ipamamahagi sa mahihirap na mga mag-aaral sa Davao City 

300 laptops ipamamahagi sa mahihirap na mga mag-aaral sa Davao City 

Inilunsad ng Davao City government ang “Student Siblings Laptop Sharing Project” kung saan aabot sa 300 laptops ang ipamamahagi sa mga mag-aaral sa junior at senior public high schools na magagamit nila sa kanilang online classes.

Ang “Student Siblings’ Laptop Sharing Project” ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte ay naging posible sa tulong ng Consulate General of the People’s Republic of China sa Davao City.

Ang mga benepisyaryo ay junior at senior high school pupil mula sa indigent family, indigent solo parent, o naninirahan kasama ang indigent guardians.

Kailangan din na mayroon silang 2 o higit pa na kapatid na naka-enroll sa parehong eskwelahan para magamit nila ng hiraman ang laptop.

Ang mga interesadong aplikante ay maaring magpadala ng e-mail sa specialprojects.davaocitygov@gmail.com.

Pwede ring mag-download ng application forms at ihuhulog ito sa designated dropbox na ilalagay malapit sa People’s Park.

 

 

 

admin

admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *